|
Post by jelc0611 on Feb 5, 2011 11:51:54 GMT 9
Faculty of Arts & Letters Alumni Homecoming (Quadricentennial Edition) February 19, 2011 UST Quadricentennial Square 4:30PM - 10:00PM Attire: Blue Jeans Emcess: Ali Sotto and Butch Francisco
|
|
|
Post by jelc0611 on Sept 15, 2010 19:13:04 GMT 9
Faculty of Arts & Letters Batch 1985
|
|
|
Post by jelc0611 on Sept 15, 2010 19:11:00 GMT 9
Is it true that foreign-based UST alumni who will be coming for the Quadri celebration can get 30% discount from Philippine Airlines?
Paki-validate naman po :-) Thanks
|
|
|
Post by jelc0611 on Jul 5, 2010 9:33:00 GMT 9
Please allow me to post this nice and simple letter made by a UST alumna ( I think she's a cum laude at the College of Science Batch 1992).
Munting Liham para kay Presidente Benigno Aquino,III
Minamahal at Iginagalang Kong Presidente Noynoy:
Una po sa lahat, salamat sa Diyos at ikaw ang aming naging Pangulo!
Batid ko po (at marahil ng lahat ng Pilipino) na napakalaking responsibilidad ang naka-atang sa inyong mga balikat ngayong susunod na 6 na taon. Di rin po lingid sa aming kaalaman na maraming mamamayan, sikat o simple man, ang nais tumulong (at tumutulong na) upang isakatuparan ang iyong mga adhikain sa pamahalaan at sa bayan. Sa napakalawak na sakop ng iyong pinamamahalaan ngayon, siguradong isang libo't isang mga problema din ang sumalubong sa iyong Opisina sa unang araw pa lamang ng iyong panunungkulan. Isang libo't isang mga hinaing ng iba't ibang sektor ng lipunan; isang libo't isang mga pakiusap ng sambayanang nakakita ng bagong liwanag at pag-asa sa ilalim ng iyong pamamahala; isang libo't isang mga pangarap na muling sumibol sa pag-asang ang mga ito'y may pagkakataon nang marinig at maisakatuparan. Napakalawak, napakarami, sangkatutak na bagay na humihingi ng pansin at kailangang tugunan sa loob lamang ng anim na taon! Kulang ang anim, kung tutuusin. Para sa isang Presidente na may talino, puso, at pagkilos na tuwid, kulang na kulang ang anim na taon upang makatindig muli nang tuwid ang bansang Pilipinas. Alam ng lahat kung ano ang pinagdaanan natin sa kamay ng mga mapagsamantala..Ang pagkakalugmok ng ating bansa ay hindi madaling baguhin. Hindi ito isang 'magic' para sa iyo. Lalong hindi isang pagkukunwari na tatapal lamang sa mga sugat ng bayan ngunit sa loob nito'y nagnanaknak pa rin. Napakahirap po ng iyong kalagayan ngayon. Bilang Presidente, lahat kami'y mga anak mo na -- na kukuha ng iyong atensyon -- magpapapansin, maglalambing o magmamaktol upang maibigay mo sa amin ang aming mga pangangailangan. Ikaw ay amin ng Ama. At bilang mga anak mo, tulad ng mabubuting mga anak, marami kaming handang magbigay din ng kapalit na pagtingin, pagmamahal, paggalang, at pagsunod sa ISANG MABUTING AMA.
Tulad po ng mga kataga ni Noel Cabangon sa kanyang awit, "ako ay isang mabuting Pilipino". Simple man, masasabi kong ako'y isang mabuting Pilipino sapagkat araw-araw, sinisikap kong maging isang mabuting tao. At para sa iyo, Presidente Noynoy, na aking Ama na rin ngayon, bilang isang mabuting anak, ako po sana'y hihiling ng pansin para sa ilang mga bagay na matagal nang bumabagabag sa akin.
Paano po ba natin patuloy na mabibigyang-solusyon ang gabundok na problema ng basura, ultimo sa maliliit na piraso (lalo na ng mga upos na sigarilyo) na nagkalat sa mga kalye higit sa lahat sa Maynila? Sa totoo lang, napaka-dumi po ng Luzon at nakakalungkot makita na napakaraming tao ang nabubuhay sa duming ito. Higit sa lahat, pag kalikasan na ang nagalit, ang lahat ng dumi natin ay sa atin din naman babalik.
Ano po ang gagawin mo sa mga mapagsamantalang MMDA officials na basta na lamang papara ng mga sasakyan kahit walang ginagawang violations? At sa mismong MMDA na gumagawa ng maling page-encode ng violations (kahit walang totoong ticket) sa kanilang computers upang makasingil lamang ng clearance fees? Sa mga Pink and Blue footbridges at fences na hindi pa kinukulayan ng green? Sa mga pader sa daan na punung-puno ng advertisements ng mga pinuno ng pamahalaan?
Sa mga kabataan at katandaang bigla na lang nawala at inagawan ng buhay?
Ilan po ito sa mga nais kong idulog sa iyo bilang anak mo, Presidente Noynoy.
Masayang-masaya akong nakinig sa iyong inaugural speech noong Hunyo 30. Nakadama ako ng bagong pag-asa; nakakita ako ng liwanag sa dilim; at sinabi ko sa aking sarili "Siya na nga." Ikaw, Presidente Noynoy, ang aming pag-asa upang makatawid ang Pilipinas sa dagat ng pagbabago tungo sa kaunlaran at mas mapayapang pamumuhay. Naniniwala akong hindi mo kami bibiguin tulad ng iyong panata sa alaala ng iyong mga magulang na lubos din naming minamahal at iginagalang. Kasama mo kaming magmamatyag at kikilos para sa ikabubuti ng ating bayan. Kasama mo kaming magmamalasakit sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.
Maraming salamat sa pagkakataon, sumaiyo lagi ang pagpapala ng Maykapal! MABUHAY KA at MABUHAY ang BAWAT ISANG MABUTING PILIPINO!!!
Lubos na gumagalang, Maria Carmencita Tamayo Atienza
|
|
|
Post by jelc0611 on Feb 10, 2010 19:24:05 GMT 9
nice to meet you wahsuck...younger brod ako ni clej :-) AB Socio 85 hope you can attend the AB Grand Alumni
|
|
|
Post by jelc0611 on Feb 10, 2010 8:04:54 GMT 9
Fellow Artlets!
The UST Faculty of Arts and Letters in cooperation with the Arts and Letters Alumni Association present
“From all corners of the globe, we reunite… GO USTE!” The Arts and Letters Grand Alumni Homecoming 2010
February 13, 2010 at the UST Quadricentennial Park
The host batch jubilarians for this year is UST AB Batch 1985 with Dean Nilo T. Divina as Chairman of the Organizing Committee.
Registration starts at 2:00pm with ticket price at P500.00 inclusive of Dinner, Raffle ticket, Souvenir Magazine, a good party and other freebies
Attire: Smart Casual preferably Blue top
All Jubilarians will receive a medal of recognition. Proceeds of the event will go to the UST Simbahayanan Project and the Dean Magdalena Villaba- Batch ’85 Endowment Fund
See you all! Thanks
|
|
|
Post by jelc0611 on Feb 2, 2010 20:44:02 GMT 9
Available na po yung alumni tickets sa AB office. Php500.00 po ang cost ng ticket.
|
|
|
Post by jelc0611 on Jan 12, 2010 11:21:51 GMT 9
|
|
|
Post by jelc0611 on Jan 9, 2010 10:40:53 GMT 9
Seminar on Transcultural Nursing in the Care of the Older Person The Senior Nursing Students of the University of the Philippines-Manila would like to invite you to a seminar entitled, "Crossing Borders, Traversing Time: A Seminar on Culturally Competent Geriatric Care". For the list of topics and speakers, please go to this link: www.facebook.com/photo.php?pi...2&id=606247491Start: Jan 11, '10 07:45am End: Jan 11, '10 1:00pm Location: UP Manila College of Nursing Auditorium; Sotejo Hall, Pedro Gil St. Ermita Manila (near St. Paul University and Robinson's Ermita) Certificates of participation will be given. Snacks will also be served. Registration fee is Php200 for nursing students and Php250 for graduate students/professional nurses. For those who are interested, you may contact Bernadette at 09154028624 or Cresilda Ellano at 09267228096 for further details or confirmation of attendance. Nursing students from all year levels, graduate students and professional nurses are all invited. Attachments:
|
|
|
Post by jelc0611 on Dec 13, 2009 8:30:43 GMT 9
Guys,
There will be a grand alumni homecoming for the Faculty of Arts and Letters to be hosted by Batch 1985 on February 13, 2010 to be held at the UST Campus.
It will also be the 46th foundation anniversary of the college/faculty.
For more details, please contact Mr. Christer James Gaudiano at 856-7010 to 11.
Hope to see you there all.
|
|
|
Post by jelc0611 on Dec 9, 2009 12:40:52 GMT 9
If I may suggest, maybe we can put some black highlights to emphasize Gold and Black. Let's try to avoid using yellow font sa text...peace :-)
|
|